Before anything else, I would like to put an ending sa last post ko... Nagkita kami ni Momong dahil muli kaming nagka-chat after some time... he lives sa isang apartment sa De Castro at nag-sex kami when we met. In fairness to him, malaki naman pala ang tite nya kaya choosy. Si Carlo Sikyu naman hindi kami nagkita ever... oh well it's his lost not mine.
Halos 3 years na ang nakalipas since I last wrote about my gay life. Sobrang daming pangyayari na ang dumaan na talga namang masasabi kong nagpatibay ng loob ko. Maybe kaya ko nakalimutan tong blog na to ay dahil naadik ako nun sa paglalaro ng online game na Rohan. Rohan...
Siguro malimit for a gay ang maging computer game addict. I should know dahil what we mostly do on our free time ay magtawanan, magpaganda, magpasexy at tumingin sa mga pictures ng mga lalaki... but not me. I consider myself na isang veterana sa online game lalo na kapag ang hawak kong class ay mga healer o support characters. Oftentimes nagiging sikat pa nga ang character ko dahil sabi nila may skills daw... plus beauty... ngunit oftentimes din nagpapanggap akong babae, buti na lang at mukha akong babae kaya may naniniwala!
Sa mundo ng Rohan, nagkaroon ako ng dalwang character, parehong healer ngunit magkaiba ang naging approach ko nung nilalaro ko sila. Si Verdelu ang nauna, i consider her a failed character... kasi all the while akala ko ok lang ang malaman sa online world na bading ka since kung paano ka maglaro at maghandle nang character mo ang importante... I was wrong... the minute na inamin ko kung sino at ano talga ko... ganung kabilis ding naubos ang mga kalaro ko. It's a lonely world after... much like sa totoong mundo ko. But "no"... hindi ako papayag na tumigil dun ang storya ng character ko... gusto ko pang mag-heal... gusto ko pang maglaro... and so Svetlana was born.
Si Svetlana ang ideal girl ng isang lalaking online gamer. Healer, good supporter, imba skills at bukod sa lahat maganda rin sa pictures nya sa FB at Friendster... si Elle from Rohan... 'yan ang naging peg ko. Nabilang si Svetlana sa number 1 guild nun sa server namin... naging isa sa pinakamagaling na healer sa server, nakilala sa forums bilang reputable resource person when it comes to the healer class, at bukod sa lahat nakilala bilang isa sa pinakamagandang player ng Rohan at hinahangaan ng napakaraming lalaki... mga achievements na hindi nakuha ni Verdelu, ni sarili ko mismo.
Ok I admit it... masama ang mangloko ng tao. Pero sa mundo naman ng online game eh ikaw na ang masusunod kung ano ka - alangan namang sa virtual world ay bakla pa rin ako at "chubby", alam ko kung paano maglaro ng maayus eh kaya tinodo ko na - I made the choice. Never was I so obsessed sa online game since Rohan... siguro dahil bukod sa marami akong nakilala, ay nakilala't natutunan ko ring mabuti ang sarili ko.
Dumating ako sa puntong feeling ko ay parang hindi na ako ang naglalaro ng mga characters ko... dahil ang "ako" na kakilala nila ay hindi ang tunay na ako - si Elle as they know is just a figment of my frustrated imagination. So I came to a decision... gusto kong mabigyang credit ang tunay kong sarili sa mga achievements ni Elle from Rohan. Inamin ko sa kanila kung sinu ako... isang bakla from Mandaluyong ang nagmamay-ari ng character na Svetlana.
Unlike sa totoong mundo, kung magkakamali ka ay madali para sa isang player ang umulit ng character upang itama ang mga naging mali and hope that next time lahat ng choices mo ay magiging ayun sa gusto ng mga tao, kahit na mabuhay ka sa isang pekeng pagkatao. Marahil kaya rin ako haling na haling sa online game ay dahil nagagawa ko rito ang "perfect" kong sarili - magaling, hinahangaan, minamahal at isang tunay na babae. Naisip ko nga... maybe that's why I excel in a healing class ay marahil likas sa akin ang maging support at umalalay, much like isang tunay na babae sa Philippine society... isang role na never na magiging sa akin lumipad man akong Thailand at magpapalit ng matres... bakla pa rin ako, "chubby" at taga-Mandaluyong. Verdelu never failed as my character... I failed myself.
Unti-unti mang naubos ang mga inakala kong kaibigan ko sa mundo ng Rohan, at unti-unting nawala rin ang pagka-adik ko sa larong ito - at least kahit sa kakaramput na panahon ay namuhay ako na parang babae, tinuring na parang babae at nagmahal ng isang lalaki na parang isa akong ganap na babae. After all this time... pinili ko pa ring i-login ang tunay kong sarili... ako pa rin ang main character.
Para kay Deelun Lee at iPawn ang blogpost kong ito - who despite na nalaman nilang si Svetlana ay huwad at pekeng babae... nanatili pa ring kaibigan ko hanggang sa kasalukuyan.
1 komento:
i googled VerdeLu and found this. hehe. >_<
Mag-post ng isang Komento